Munimuni – Matimtiman Lyrics

Munimuni Matimtiman Lyrics

Di sumabay sa paglubog ng araw
Ang ingay na hindi napaparam
Ngunit sa pagsalubong
Ng ‘yong mainit na pagbati
Dalang pagod ay napawi

Matimtiman
Buhay ma’y nagbabago’t di sigurado
Matimtiman
Wala sa lenggwahe mo ang di magmahal

Isang mainit na tanghali
Mata sa hangin nakatali
Pag-aalala’y yumayakap
Sa isipan nang mahigpit
Nang ika’y lumapit

Matimtiman
Buhay ma’y nagbabago’t di sigurado
Matimtiman
Wala sa lenggwahe mo ang di magmahal

Matimtiman

    Lyrics Knowledge:

  • Written by: Munimuni
  • Album: Matimtiman
  • Released: 2022